Nakakapagod din palang umasa sa wala. Yung nasa gitna ka ng hindi sigurado, hindi mo alam kung may patutunguhan ba o pinanghahawakan mo na lang yung posibilidad na baka, someday, maging kayo rin sa huli. Minsan, hindi naman natin hinihingi ang sobra. Gusto lang natin ng malinaw na sagot, totoong intensyon, at assurance na hindi tayo nag-iisa sa pag-asang meron pang something.
Kung ayaw mo, just say no. Masakit man, at least alam ko kung saan ako lulugar. Kung gusto mo, edi go. Let's see where this takes us. Hindi naman kailangang may kasiguraduhan agad ang lahat, pero sana may willingness na subukan, maging honest, at huwag hayaang isang tao lang ang patuloy na lumalaban para sa posibilidad na 'to.
Life is too short to spend so much time stuck in limbo, overthinking every little thing, reading between the lines, and questioning whether we're asking for too much. Ayokong dumating sa point na ang dami ko nang nasayang na oras kakahintay sa isang bagay na hindi naman pala darating. Kasi at the end of the day, mas mahirap yatang dalhin yung regret ng isang bagay na hindi mo man lang sinubukang alamin kaysa sa sakit ng isang malinaw na sagot.
Minsan, hindi rejection ang pinakakinatatakutan natin. It's the uncertainty. Yung hindi ka makausad dahil umaasa ka pa, pero hindi ka rin makapagsimulang muli dahil wala kang malinaw na sagot.
Kaya kung may gusto kang sabihin, sabihin mo. Kung may gusto kang simulan, simulan mo. Kung wala talaga, be honest enough to let the other person go. We deserve clarity, not confusion. Effort, not empty promises. And a chance at something real, not a lifetime of wondering, "What if?"



0 Comments